Mahigit 800 pulis ang itatalaga sa 50 sementeryo sa pamamarisan o Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Col. Wilson Asueta, director ng Eastern Police District, na naka-full alert ang kapulisan kung saan magtatalaga sila ng advacement deployment para sa kaligtasan ng mga bibisita sa sementeryo.
Nagpaalala naman sa publiko si Asueta na bawal magdala ng matatalim na bagay at baril o firearms weapon.
Naka-full alert naman kami palagi…’yung full deployment po natin gagawin po natin ‘yan atleast 2 days before Undas. Mayroon na tayong advance deployment. ‘Yung mga pupunta sa sementeryo mayroon tayo atleast 800 personnels na incharge sa Undas.
Ang pahayag ni Col. Wilson Asueta, director ng Eastern Police District, sa panayam ng DWIZ.