Isang batalyong pulis ang idineploy ng Philippine National Police o PNP mula sa Bicol para tumulong sa pagbabantay sa 31st ASEAN Summit sa Metro Manila.
Ayon kay Sr. Insp. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office–Region 5, 800 police officers ang ipinadala nila upang maging mapayapa at maayos ang summit.
Sinabi ni Calubaquib na madalas magpadala ang PRO-5 ng augmentation force sa PNP katulad na lamang noong bumisita ang Santo Papa sa Maynila at gayundin sa Peñafrancia Festival sa Naga city At Daragang Magayon Festival sa Albay.
—-