100% nang handa ang pamahalaan at mga expressway operators para sa ganap napagpapatupad ng cashless toll collection scheme sa mga toll plaza sa Disyembre.
Ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Executive Director Abraham Sales, nakahanda para sa implementasyon ng cashless transactions ang nasa 800 mga toll lanes.
Mahigit 3.2 milyong mga sasakyan na aniya ang nakabitan ng stickers ng RFID.
Nilinaw namanni Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran na ang palugit na December 1 ay para lamang sa mga toll operators at hindi sa mga motoristang walang pang RFID stickers.
Aniya, may ipatutupad na transition period para sa mga motorista mula December 1 hanggang January 11, 2021 kung saan hindi muna manghuhuli ng mga wala pang RFID.
Dagdag ni Libiran, 24 oras ding bukas ang mga toll lanes at booth na magkakabit ng mga RFID hanggang January 11.