Aabot na sa 8,000 na barangay at 900 na bayan ang isinailalim sa watchlist at tinututukan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng paparating na halalan.
Gayunman, nilinaw ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na ngayong linggo pa lamang nila sisimulang tukuyin kung ilalagay na ang mga nabanggit na lugar sa hotspot.
Kasabay nito sinabi ni Albayalde na bumuo na sila ng Special Operations Task Group na siyang tututok sa seguridad para sa parating na halalan.
Ito aniya ay bilang paghahanda na rin sa darating na eleksyon ngayong ilang araw na lamang bago pormal na magsimula ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 11 hanggang 17.
Sinabi ni Albayalde, pamumunuan ang Task Group ng Directorate for Integrated Police Operations na katakagang umaksyon sa mga kasong may kinalaman sa halalan tulad ng harassment at ibang election related violence.