Aabot sa 8,000 mga pulis ang ipakakalat sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa May 13 midterm elections.
Pawang binubuo ang mga ito ng regional standby force, special weapons and tactics team ng coatabato City, Regional Mobile Force Battalion, PNP-Highway Patrol Group at support units.
Ang mga ito ayon kay BARMM-PNP Regional Director P/BGen. Graciano Mijares ay magsisilbing backup force sakaling may mga gurong umatras para magsilbing board of election inspectors sa mismong araw ng halalan.
Magugunitang inanusyo ng pamunuan ng pambansang pulisya ang pagpapakalat sa 160,000 mga tauhan nito sa buong bansa para tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa darating na Hatol ni Juan 2019.