Walong libong (8,000) sundalo ang nakatakdang i-recruit ng Philippine Army ngayong 2018.
Mas mataas ito kumpara sa 3,600 regular na quota ng Army kada taon.
Ayon kay Army Spokesperson Lt. Col. Louie Villanueva, tinaasan ang quota ngayong taon para mapuno ang dagdag na 10 bagong batalyon na tutulong sa pagsugpo ng terorismo sa bansa.
Target aniya nilang ma-recruit ang mga kabataan na naghahanap ng trabaho at nais maglingkod sa bayan.
Nagtayo na ng recruitment centers ang army sa Cagayan De Oro City, Cebu City, at Fort Bonifacio sa Taguig City.
Maaari ring pumunta ang mga intersadong aplikante sa website ng Army o sa pinakamalapit na kampo nito.
Noong nakaraang taon umabot sa 13,000 sundalo ang na-recruit ng PH Army.
—-