Aabot sa walumpung libong (80,000) diapers para sa mga bata ang ipinamahagi sa mga evacuation centers na kinaroroonan ng mga apektadong residente ng kaguluhan sa Marawi City.
Ang naturang mga donasyon ay nagmula sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao, Philippine Business for Social Progress at iba pang private donors.
Ayon kay ARMM Cabinet Secretary Khal Mambuay-Campong, layon nitong tulungan ang mga magulang para hindi na maghanap pa ng mga diaper na importante aniya lalo’t kapos ang suplay ng tubig sa mga evacuation center.
Maliban sa mga diaper, tuloy-tuloy din ang pagpapadala ng ARMM government ng hygiene kits at mga gamot sa apektadong residente ng Marawi.
By Ralph Obina
80,000 diapers ipinamahagi sa evacuation centers sa Marawi was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882