Inaasahang nasa 80,000 Filipino ang mabibigyan ng trabaho matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasunduan sa Japan.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, inaasahan ang mas maraming oportunidad sa sektor ng manufacturing at industrial park development.
Sinabi pa ni Lopez na nagpahayag din ang Japan ng interes sa pamumuhunan sa sektor ng konstruksyon, transportasyon, enerhiya, imprastraktura at food production.
Magugunitang naselyuhan sa Japan nuong Miyerkules ang mahigit $5 billion na kasunduan.