Aabot sa 800,000 na katao, ang nagsilikas matapos maglandfall ang typhoon Noru sa Central Vietnam.
Ayon sa National Disaster ng Vietnam, nasira ang mga kabahayan, kalsada, puno at mga tulay dahil sa pananalasa ng bagyong Noru.
Sa huling datos, bahagyang humina ang bagyong Noru kung saan, taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour.
Sa ngayon, nananatili paring lubog sa baha ang Vietnam kung saan, ekta-ektaryang pananim ang nawasak partikular na ang palayan.