Target ng gobyerno na magbakuna ng 800k hanggang isang milyong COVID-19 vaccines kada araw sa Oktubre.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje bunsod ng mataas na supply ng bakuna sa susunod na buwan.
Ayon kay Cabotaje, uunahin nila ang mga kabataang may comorbidities na edad 12 hanggang 17 bukod pa ito sa pagbabakuna sa general public.
Magugunitang umabot sa 700,000 ang pinakamataas na bilang ng naiturok na bakuna sa isang araw.
Sa ngayon ay lampas na sa 20 milyong indibidwal naka-kumpleto ng bakunasa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino