Binuksan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 800,000 na passport appointment slots sa buong bansa.
Ito’y matapos na sitahin ni Senator Imee Marcos sa organizational meeting ng Senate Committee on Foreign Relations ang DFA nang lumabas sa website nito na March 2023 pa mayroong mga available slot para sa passport appointment.
Ayon kay DFA Asec. Henry Bensurto, may ilang lugar na may slot ng September at October at mayroon din aniyang passport on wheels at mga courtesy lane para sa senior citizen, Person with disabilities (PWD) at mga buntis.
Samantala, kabilang sa isinusulong ng ahensya ang pagkakaroon ng emergency passport para naman sa mga special cases.