Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggled na sibuyas sa ikinasang operasyon sa Tondo, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga sibuyas ay natagpuan sa loob ng tatlong bodega sa tondo kung saan tinatayang aabot sa 800 libong piso ang halaga nito.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at ra 10863 o Customs Modernization And Tariff Act ang mga naturang bodega.—sa panulat ni Airiam Sancho