Ginunita ng mga mahal sa buhay ni yumaong “Da King” Fernando Poe Jr. (FPJ) ang ika-80 anibersaryo ng kapanganakan nito.
Salamat sa mga patuloy na nanonood ng mga remastered na pelikula ni FPJ, dun sa mga gumagaya sa pananamit niya, o kaya sa mga gumagamit ng mga sikat na linya sa kanyang mga pelikula. Dahil dito, buhay ang alaala ni FPJ.https://t.co/eDwRMWJ3a6
— GRACE POE (@SenGracePOE) August 19, 2019
Pinangunahan ng maybahay ni FPJ na si Susan Roces at anak na si Senadora Grace Poe ang isinagawang misa para sa dito sa Manila North Cemetery.
Dumalo din sa pagdiriwang ang ilang mga malalapit na kaanak at kaibigan ng pamilya Poe.
Sa kanyang mensahe, inilarawan ng senadora ang kanyang ama bilang simpleng tao na uunahing tulungan ang mga pinakanangangailangan.
Si FPJ ay nasawi noong December 14, 2004 dahil sa stroke, ilang buwan matapos itong mabigong manalo sa presidential election.