Napuno ng mga bituin mula sa show business at maging ng mga kilalang pulitiko ang pagdiriwang ng ika-walumpung kaarawan ng regal matriarch na si Mother Lily Monteverde kagabi.
Kabilang sa malalaking tao na dumating sa party si dating Pangulong Noynoy Aquino na inaalala ang pagkakaibigan nina Mother Lily at ng kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino.
Dumalo rin sa pagdiriwang sina Lipa City Representative Vilma Santos na nakakatagpo pa si Angel Locsin na dating nobya ng anak nito na si Luis Manzano.
Dumating rin sina Sharon Cuneta, Susan Roces, Maricel Soriano at ibang big stars.
Lahat naman ng mga nagsidalo ay tumatanaw ng utang na loob kay Mother Lily na malaki ang naitulong sa kani-kanilang mga career.
Kabilang naman sa mga naging highlight ang sopresang pagdalo ni Vice Ganda at pag-awit ni Gary Valenciano ng kantang ‘Go the Distance’ kung saan naiyak si Mother Lily.
Naging agaw-eksena naman sa party ang pagdating ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, dating First Lady Imelda Marcos, dating Senador Jinggoy Estrada, Korina Sanchez at Presidential Legal Adviser Sal Panelo.
—-