Nasa 81 indibidwal ang tinamaan ng Tuberculosis (TB) sa bayan ng Camaligan, Camarines Sur.
Ayon sa Municipal Health Office ng LGU Camaligan, karamihan sa mga dinapuan ang mga matatanda habang 10% naman dito ay mga bata.
Nabatid na sa unang anim na buwan ng taong 2022, pumalo sa mahigit 26,000 ang kabuuang kaso ng TB kabilang na dito ang 16,290 na lalaki at 9,711 na babae.
Nilinaw ng lokal na pamahalaan na ang naitalang bilang ay mas mababa kumpara sa ibang bayan kung saan, patuloy na ginagamot ang mga tinamaan ng naturang sakit.
Samantala, minomonitor narin ang mga naging close contact kasabay ng pagpapa-inom ng mga gamot upang maiwasan ang pagdami ng kaso dahil mabilis umano itong nakakahawa sa pamamagitan lamang ng droplet o laway mula sa taong infected nito.
Nagpaalala naman sa publiko ang kagawaran na sakaling may mga sintomas na katulad ng dalawang linggo nang inu-ubo, sinisipon, masakit ang likod, at biglaang pagpayat, mas mainam na magpakunsulta na agad sa doktor.