Kinumpira ng interior ministry ng Saudi Arabia na 81 ang kanilang binitay sa loob lamang ng isang araw dahil sa mga kasong kinakaharap na may kaugnayan sa terorismo at iba pa.
Kasama sa mga binitay ang 7 Yemenies at isang Syrian.
Ayon sa initerior ministry kabilang sa mga nilabag na kaso ng mga nasabing indibidwal ang pagpatay sa inosenteng lalaki, babae at mga bata gayundin ang panunumpa ng katapatan sa mga terrorist organization tulad ng ISIS, Al-Qaeda at Houthis.
Hindi naman binanggit at ipinaliwanag ng ministry kung paano isinagawa ang pagbitay.—sa panulat ni Airiam Sancho