Aabot sa 81 ospital sa mga lalawigan ang makakatanggap ng mga ambulansya pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz, nakatanggap na rin ng apat na ambulansya ang Culion Sanitarium sa Culion, Palawan; Batangas Provincial Hospital sa Batangas City; Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legaspi City, Albay; at Eastern Samar Provincial Hospital sa Borongan, Eastern Samar.
Sinabi ni Cruz na nasa 78 ambulansya pa aniya ang nakatakdang ipamahagi ng foundation sa Southern Leyte Provincial Hospital, Ilocos Norte Provincial Hospital, Gov. Faustino Dy Sr. Memorial hospital, Marinduque Provincial Hospital, at iba pa.
Ayon kay Cruz, nais ng chairman ng foundation na si Charlie “Atong” Ang na makatulong sila para agarang mailipat ang mga pasyenteng may Covid-19 at magamot sa mga ospital sa mga nasabing lalawigan.