Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 81 pasahero at crew ng barkong nasunog sa karagatang sakop ng Siquijor.
Ayon sa PCG, ilang minuto lamang pagkaalis sa pantalan ng MV Jaylann Two ng JL Shipping Lines ay bigla na lamang nagliyab ang barko.
Sa takot at taranta ng mga pasahero, ilan sa mga ito ang agad na tumalon sa dagat.
Tiyempo namang paparating ang isa pang barko na MV Maria Josefa Two na tumulong para ma-rescue ang pasahero ng nasusunog na barko.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nagmula ang sunog sa nag-ispark na makina ng naturang barko.
By Ralph Obina