81 recruitment agency ang napuwersang magsara dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia ang mga nasabing nagsarang ahensya ay nagre-recruit ng mga land based Overseas Filipino Workers.
Labing 3 aniya rito ang main branch ng private recruitment agencies sa land based.
Sinabi ni olalia na wala namang report hinggil sa mga apektadong manning agencies para sa mga seamen.
Pinayagan ng POEA ang mga apektadong manpower agency na bawiin ang bahagi ng kanilang 1-M escrow deposit sa ilalim ng ilang kondisyon at automatic extension ng kanilang lisensya.