Walo sa kada sampung Pilipino ang naniniwalang may fake news sa social media.
Batay sa ulat sa bayan ng national survey ng Pulse Asia, walumpu’t walong (88) porsyento ng mga Pilipino ang sang-ayon na may fake news sa social media at labing dalawang (12) porsyento naman ang wala umanong alam na fake news.
Nakasaad din sa nasabing survey na pitumpu’t siyam (79) na porsyento ng mga respondents ay naniniwalang laganap ang fake news sa social media samantalang labing dalawang porsyento ang undecided at siyam na porsyento ang hindi sang-ayon.
Sa usapin naman ng awareness level sa fake news sa social media, naitala ang pinakamataas na porsyento sa Metro Manila sa 93% habang 87% sa Luzon at 84% sa Mindanao.
Samantala, sa tanong kung nagbago ba kailanman ang pananaw tungkol sa pulitika at pamahalan o isyung panlipunan dahil sa nakita sa social media o hindi lumabas na 57% ang sumagot ng Yes at 49% naman ang nagsabi ng No.
Isinagawa ang survey sa 1,800 respondents mula September 1 hanggang 7 kung kailan nabalita ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes IV at ibinunyag ng Pangulo na hotbed ng droga ang Naga City na hometown ni Vice President Leni Robredo.