Nakakuha muli ng record-high ang public satisfaction rating sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay batay sa latest survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) kung saan 82% ng mga Pilipino ang kuntento sa trabaho ng pangulo.
Mataas ito ng 4% kumpara sa resulta nuong September hanggang December 2019 survey na may 78% lamang.
Samantala, nabawasan din ang nagsasabing hindi sila masaya sa performance ng pangulo na may 10% mula sa dating 13%.