Nagpositibo sa COVID-19 ang 82 mga tauhan ng Police station 3 na sakop ng Quezon City Police District o QCPD.
Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit o CESU ng Quezon City, ito ang lumabas sa isinagawang COVID-19 test sa 161 na mga pulis noong Hulyo 23.
Sa naturang bilang, 79 ang nag-negatibo sa COVID-19.
Mababatid na agad namang dinala sa isolation facilities ang mga pulis na nag-positibo sa virus na kapwa nakatanggap na ng bakuna.
Sa kabila nito, nilinaw ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na walang kinalaman sa pagdapo ng virus ang naging duty ng mga ito sa nagdaang State Of the Nation Address o SONA ng Pangulo dahil matagal na anila silang na-i-swab test.
Kasunod nito, isinisi naman ni Belmonte ang pagdapo ng virus sa mga kapulisan dahil sa hindi mahigpit na pagsunod ng kanilang istansyon sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.