Patay ang 83-anyos na lalaki sa sunog na sumiklab sa Sitio Upper Kawayan, Barangay Sambag 2, Cebu City.
Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Eleuterio Jamiri sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang sunog alas-9:38 kagabi kung saan 19 na kabahayan ang natupok.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
By Meann Tanbio