Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) na tapusin ang re-evaluation ng 83 maritime schools sa bansa sa loob ng dalawang taon.
Ayon kay CHED Chairman Prospero de vera III, ito’y alinsunod sa standard compliance ng European Union’s (eu) sa patuloy nitong pag-isyu ng certificate sa mga seafarers ng Pilipinas.
Dagdag ni de Vera, 30 maritime school ang kanilang unang plano na ire-evaluate kada taon ngunit iminungkahi ng pangulo na taasan pa ang bilang nito upang mapaikli.
Dahil dito target ng kagawaran na tapusin sa loob ng dalawang taon ang re-evaluation sa 83 maritime school.
Habang sa ngayon nasa 15 maritime programs na ang kanilang napatigil nitong nakaraang taon dahil sa hindi pagsunod sa pamantayan.