NASUNGKIT ng nag-iisang mananaya mula Laguna ang 83 million pesos na jackpot prize sa Mega Lotto 6/45.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, natumbok ng masuwerteng bettor ang winning combination na 33-27-18-42-03-23.
Limampu’t tatlong mananaya naman ang nanalo ang 32,000 pesos bawat isa matapos mahulaan ang limang kumbinasyon.
Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.