Nananatiling nasa excellent category ang trust rating ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabila ito nang pagbaba ng tatlong puntos ng trust rating ni Duterte sa pinakahuling survey ng SWS o Social Weather Stations.
Batay sa SWS survey na isinagawa mula September 24 hanggang 27 sa 1,200 adult respondents, nakakuha ng +76% na public trust rating ang Pangulo.
Nangangahulugan itong 83% ng mga sumalang sa survey ay mayroong “much trust” kay Duterte, 9% ang undecided at 8% lamang ang mayroong “little trust” sa Pangulo.
Ang nasabing trust rating ni Duterte ay siyam na porsyentong mas mataas sa trust rating ng dating Pangulong Benigno Aquino III na nasa +67% lamang at “very good” sa isinagawang survey noong September 4 hanggang 7, 2010.
By Judith Larino