Mayorya ng mga estudyante sa buong bansa ang naniniwala na dapat nang tanggalin sa pwesto si Vice President Sara Duterte.
Sa isinagawang survey ng Center for Studens Initiatives, 84.4% o karimihan sa mga respondent ang nagsabing gusto nilang matanggal sa pwesto ang bise presidente habang 12.2% naman ang hindi at 3.1% naman ang sumagot ng undecided.
40% ng mga respondent ay nasa National Capital Region; 35 porsiyento sa Balanced Luzon; 5% mula sa Visayas, at 10% naman sa Mindanao.
Bukod pa rito, lumabas din sa survey na 73% ng mga respondents na dapat nang mag-convene ang senado ngayon bilang impeachment court sa halip na magsagawa pa ng mga paglilitis habang 19.8% ng mga respondent ang nag-’no’.
Nabatid na ang CSI ay isang student-directed research institution.—sa panulat ni Kat Gonzales