Malaki ang posibilidad na itutuloy ng Commission on Elections ang plano na ilipat sa mga mall ang ilang voting precinct para sa 2016 presidential elections.
Sinabi ni COMELEC Chairman Andy Bautista, ito ay matapos makita sa kanilang survey na 84 percent ng mga botante ang pumapabor sa naturang panukala.
Ayon kay Bautista, sa ngayon ay mayroon na 100 mall sa buong bansa, na maaring gawing presinto.
Tiniyak din ni Bautista na sakaling ituloy, magdedeploy ang pamahalaan ng contingent mula sa Pambansang Pulisya, para magbigay seguridad sa mga ito.
“”84 percent po ng ating mga botante tila (naniniwalang) tamang hakbang itong paglipat ng ilang mga presinto sa malls kasi nga yung conveniences ng mall nandyan, maliban sa aircon, maaliwalas, walang issue sa brownout,” paliwanag ni Bautista.
By: Katrina Valle | Karambola