Umabot sa 84 na porsyento ng buwanang pag-ulan ang tumama sa Albay sa loob lamang ng dalawang araw.
Ito, ayon kay Cedric Daep, hepe ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ang dahilan kaya’t napakalaki ng naperwisyo sa kanilang lalawigan.
Sa Tiwi, Albay pa lamang aniya ay mayroon ng 16 kataong nasawi, may anim pang nawawala at walong sugatan dahil sa mga landslides.
Umabot rin aniya sa 15,000 katao ang kanilang evacuees.
Kapag nag-isyu kami ng advisory, sana mag-cooperate ang community kasi ‘yung failure of evacuation means casualty. Pahayag ni Daep