Tinatayang nasa 3.15 bilyong pisong tax liabilities ang inaasahang makokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR), oras na mahabol ang 84 na sinampahan ng kaso nitong first half ng taon.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa na ang naturang hakbang ay sang-ayon sa agresibong kampanya ng ahensya laban sa mga hindi nagbabayad at nagdedeklara ng tamang buwis o Run After Tax Evaders (RATE).
Dagdag pa ng BIR, na mayroong 274 firms ang naipasara ng ahensya para mabawi naman ang nasa higit isang bilyong pisong hindi nabayarang buwis.
Habang may 17 kaso naman ang naiakyat na sa Court of Tax Appeals na aabot sa higit 1.5 bilyong piso naman ang total tax liabilities kung magtatagumpay ang mga kaso.