Isang lolo ang patay matapos barilin ng kapitbahay sa Pagudpud, Ilocos Norte.
Nakatayo lamang sa kanyang kubo ang 85 anyos na biktima nang biglang pumasok at barilin ng lasing umanong suspek gamit ang sumpak sa Barangay Burayoc.
Ayon kay Major Eduardo santos, hepe ng Pagudpud Municipal Police Station, tinamaan sa kanang balakang ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Agad namang naaresto ang suspek na nahaharap sa kasong murder.—sa panulat ni Drew Nacino