Bumagsak sa kamay ng Indonesian police ang 85 Chinese nationals na kasapi di umano ng sindikato sa cross border telephone at internet fraud.
Ayon sa Jakarta police, nadakip ang mga suspek sa magkakahiwalay na raids sa Jakarta at Malang City sa East Java.
Batay sa paunang imbestigasyon, target ng sindikato ang mga kapwa Chinese nationals na naloloko nila para magpadala ng pera sa kanila.
Lumalabas na nitong nakaraang taon lamang ay umabot sa 2.5-bilyong dolyar ang kinita ng sindikato.
Nasa Indonesia di umano ang sindikato, gamit ang tourist visa matapos silang mabuwag sa China.