Nasabat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 85 loose firearms sa San Juan City.
Ito ay bilang bahagi ng oplan katok campaign ng pambansang pulisya.
Kabilang sa mga nasamsam ng PNP ang 9 na rifles, 9 na shotguns, 19 na revolver at 48 pistols.
Kaugnay nito, hinimok ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga residente ng lungsod na magpa-renew ng lisensiya ng kanilang baril.
Dagdag ng Alkalde, makabubuti ring kusa na lamang isuko sa awtoridad ang mga baril na wala o paso na ang lisensiya at huwag nang hintaying mahainan pa ng search warrant.
Sinabi naman ng San Juan City na posibleng dahil sa COVID-19 pandemic kaya hindi nakapagparenew ng lisensiya ang mga gun owners.