Aabot na sa 85% ng mga barangay sa Cebu City ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Emergency Operations Center Head Joel Garganera, 67 mula sa 80 barangay ang hindi na nakapagtala ng mga bagong kaso.
Sa ngayon anya ay nasa 27 na lang ang active cases sa buong lungsod na karamiha’y nasa home isolation.
Patuloy na ring bumaba ang positivity rate sa Cebu City matapos lumagpak sa point 43% o sa 467 na nagpa-test ay dalawa lamang ang nagpositibo.
Gayunman, nababahala pa rin si Garganera sa posibilidad ng pagtaas muli ng mga kaso lalo’t nananatili sa COVID-19 alert level 1 ang Cebu City.