Ininspeksyon ni Alberta Canada Premier Rachel Notley ang pinasalang idinulot ng wildfire sa lalawigan partikular sa city of Fort McMurray.
Ayon sa opisyal, himalang maituturing na ligtas lahat na nailikas ang mga apektadong residente ng dambuhalang wildfire doon.
Ibinalita naman ni Fire Chief Darby Allen na 85 porsyento pa rin ng mga gusali sa Fort McMurray ang nakaligtas sa naturang kalamidad at intact pa rin ang business area sa lungsod.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP