Nasa 85% ng mga pasyente ng COVID-19 patients sa intensive care units na nangangailangan ng mechanical ventilators sa government hospitals sa Metro Manila ang hindi pa bakunado.
Ito ang inihayag ng Department of Health sa gitna ng panibagong serye ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, lalo sa Metro Manila.
Dahil dito, muling pinayuhan ng DOH ang publiko, partikular ang mga unvaccinated na samantalahin na ang libreng COVID-19 vaccination ng gobyerno dahil pa rin sa pinagsanib na banta ng Delta at Omicron variants.
Tiniyak din ng kagawaran na nananatiling epektibo at ligtas ang mga bakuna laban sa kritikal na COVID-19 virus at pagkamatay. —sa panulat ni Drew Nacino