Inihayag ng Department of Health na target nilang mabakunahan ang nasa 85% ng targeted eligible population sa bansa hanggang sa katapusan ng buwan Hunyo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, katumbas ito ng 77M Pilipino mula sa inaasam na 90M indibidwal.
Sa ngayon kasi aniya, 68.5M Pinoy na ang nabakunahan kontra COVID-19 at maliit na bilang na lamang ang nais para maabot ang target.
Maliban dito, kasalukuyan na ring gumugulong ang special vaccination days Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Habang patuloy pang pinapataas ang vaccination rate sa mga lugar ng Quezon sa Region 4-A, Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas at SOCCSKSARGEN.
Samantala, umabot naman sa halos 7,500 na indibidwal ang nabakunahan ng ahensya sa mga vaccination site malapit sa mga polling precincts noong Mayo a-9.