Aabot sa 850 laptops ang ipinamahagi ng Olongapo City Government sa mga pampublikong guro.
Ang nasabing mga laptop ay itinurn-over para sa unang batch na pinondohan mula sa special educational fund na malaking tulong sa kasalukuyang estado ng edukasyon sa bansa.
Ayon sa pamahalaang lokal ng lalawigan, magsasagawa sila ng ikalawang batch sa buwan ng Pebrero kung saan aabot sa 650 piraso ng laptops ang kanilang ipamamahagi. —sa panulat ni Angelica Doctolero