Nasa 850 personnel ang idedeploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, itatalaga ang kanilang mga tauhan sa Quirino Grandstand sa Luneta; Quiapo Church at sa mga rutang daraanan ng prusisyon sa Miyerkules, Enero 9.
Simula naman bukas hanggang Martes ay mahigit 350 MMDA personnel ang ipakakalat para sa taunang prusisyon ng mga replika ng imahe ng Black Nazarene at “pahalik” sa Quirino Grandstand.
Makakatuwang ng mga tauhan ng ahensya ang mga pulis at lokal na pamahalaan ng Maynila sa pagpapanatili ng kaayusan sa translacion maging sa kabuuan ng pista ng Quiapo.