Nakatanggap ng Livelihood financial assistance ang nasa 858 residente mula sa “pangkabuhayang QC” program ng lokal na pamahalaan.
Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at gustong magkaroon ng maliit na negosyo.
Ang bawat benepisyaryong residente ay tatanggap ng P10,000 hanggang P20,000 na cash aid kung saan, sakop nito ang displaced workers, microentrepreneurs, Overseas Filipino Workers (OFWs), mga nawalan ng trabaho, unemployed solo parents, at persons with disabilities.
Sa huling datos ng QC Government nasa 16,341 na beneficiaries ang nakatanggap ng livelihood assistance, habang nasa 9,307 ang kasalukuyang sumasailalim sa screening at approval process para sa Batch 13-18 ng programa. —sa panulat ni Angelica Doctolero