Lumabas sa survey ng Social Weather Stations na 58% ng mga Pilipino ang nakararanas ng matinding stress, 27% naman nagsasabing sila ay stress samantalang 15% ang nakararamdam ng bahagyang stress dulot ng pandemya.
Kaugnay nito 30.7% o 7.6M Pilipino naman ang naitala ng SWS na nagsasabing sila ay nakadanas ng kagutuman na tinutukoy na dahilan ng 69% ng Pilipino upang makaranas ng matinding stress.
Isa pa sa tinutukoy na dahilan ng pagkastress ng mga Pilipino ay ang kawalan ng trabaho, di pagkatanggap sa trabaho at pagkatanggal sa dating trabaho.
Naitala sa survey na malaking porsyento ng mga nakadanas ng stress ay mga estudyante at 61% nito ay ang mga Junior High School graduates.
Samantala isinagawa ang naturang survey gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone na nilahukan ng 1,249 Pilipino edad 18 years old pataas. —sa panulat ni Agustina Nolasco