Tinatayang 8,900 Overseas Filipino Workers ang kasalukuyang naka-quarantine dahil sa banta ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac, nananatili ang mga nasabing OFW sa 195 hotel.
Aminado naman si Cacdac na nakatatanggap sila ng mga reklamo dahil sa pagkaantala ng paglabas ng resulta ng swab tests ng mga OFW.
Ito, anya, ay dahil sa matinding volume ng mga nagpapa-test pero sinosolusyonan naman ito at naiibsan na ang sitwasyon kumpara noong mga nakalipas na isa o dalawang linggo.
Nilinaw naman ng OWWA Chief na pinapayagan na ang ilang government at private laboratories sa pagproseso sa swab tests.
Sa ngayon ay nasa 2K OFW na ang pinapauwi mula sa quarantine hotel kada araw.