Ipinagbigay alam ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na hindi muna nito pinayagang makabiyahe ang 868 na iba’t-ibang uri ng sasakyang pandagat dahil sa epekto ng pananalasa ng bagyong Dante.
Ayon sa PCG, ito ang dahilan ng pagka-stranded ng higit sa 3,000 mga pasaherong sa iba’t-ibang pantalan sa Eastern at Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at sa Bicol Regions.
Bukod pa sa mga naantalang higit sa 800 mga sasakyang pandagat, nahinto rin sa pagbyahe ang nasa 87 mga vessels, 84 na motorbanca pa ra na rin maiwasan ang anumang panganib na dala ng masungit na lagay ng panahon.
Kasunod nito, tiniyak ng PCG na nakastand-by na ang kanilang mga tauhan para sa anumang evacuation at rescue operations na kailangang ikasa.