Tinatayang 87 million datos mula sa iba’t ibang Facebook user ang hindi tamang naibahagi sa political consultancy na Cambridge Analytica.
Kasunod ito ng anunsyo ng US House Commerce Committee na haharap si Facebook Founder Mark Zuckerberg sa pagdinig nito ukol sa naturang kontrobersiya.
Inamin ng Chief Technology Officer ng Facebook na si Mike Christopher Wylie kasunod ng pahayag ng kumpanya na nasa 50 milyong datos lamang ang nakuha ng naturang pribadong kumpanya.
Apektado na ng naturang trust issue ang shares ng Facebook na bumagsak sa 16 percent simula nang sumabog ang kontrobersiya.
—-