Nakapagtala ng 87 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng PHIVOLCS, pawang mahihina lamang ang naitalang pagyanig subalit indikasyon pa rin ito ng patuloy na magmatic activity sa loob ng Taal.
Sa nakalipas na 24-oras, may naobserbahang mahinang pagbubuga ng steam laden plumes mula sa crater ng Bulkang Taal na ang taas ay 50meters hanggang 100meters.
Nasukat naman ang inilabas na sulfur dioxide ng taal na umabot sa 105tons/day ang average.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at posible pa rin ang pagkakaroon ng mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ash fall at lethal volcanic gas expulsions.
Inirerekomenda pa rin ng PHIVOLCS ang pagbabawal na mapasok ang Taal Volcano Island at ang palibot ng Taal Lake at maging ang sakop ng 7-kilometer mula sa main crater.