Inaasahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na 87,186 metric tons ng bangus fry ang madadagdag sa lokal na produksyon sakaling makumpleto na ang 37 legislated hatcheries sa buong bansa.
Ayon kay BFAR National Bangus Program Focal Person and CALABARZON Regional Director Willy Cruz, posibleng matapos sa unang anim na buwan ng taon ang nasabing hatcheries na makakatulong sa food security ng bansa.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 446,382.19 metric tons ng bangus fry ang nai-produce noong 2021.
Kabilang dito ang 205,486 metric tons mula sa local resources habang 245,354 metric tons ang bangus fry na inaangkat mula sa Indonesia.
Samantala, layon ng naturang programa na dagdagan ang iba’t ibang uri ng mga cultivable species sa bansa, isulong ang pagkakaiba-iba ng mga species at magprovide ng lugar para sa mga fisheries extension services. – sa panulat ni Airiam Sancho