Aabot sa ang 88 mag-aaral na magsasaka ang nakapagtapos ng School on Air (SOA) Program on Coffee sa ilalim ng Department of Agriculture-Cordillera.
Nagmula sila sa anim pangunahing Munisipalidad sa Cordillera Administrative Region (CAR) kabilang ang Bauko, Besao, Bontoc, Sabangan, Sagada at Tadian.
Kahapon, ginanap ang seremonyas sa Multi-Purpose Hall sa Bontoc kung saan kabilang sa mga itinuro sa Farmer-Enrollees ay ang tamang teknolohiya sa coffee production, postharvest technologies, packaging at marketing.
Noong Hulyo hanggang Oktubre 2021 sinimulan ang SOA Program.
Binati naman nina Governor Bonifacio Liwasan Jr. at June pinayakan ng Provincial Legal Office ang mga nagsipagtapos. —sa panulat ni Hannah Oledan