Inirekomenda ng Dep’t of Environment and Natural Resources o DENR ang paggamit sa 88 tinukoy na mga ilog sa bansa para sa flood control, domestic water, at hydro power.
Sa meeting sa Malakanyang kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inihayag ng Private Sector Advisory Council o PSAC-Infrastructure sector group na ipinatutupad na ng Dep’t of Public Works and Highways bilang Priority ang Flood Control Basins Project sa ilalim ng Infrastructure Flagship Frojects.
Iginiit ng P-SAC na malaking bagay ang paggamit sa mga ilog upang maibsan ang mga pagbaha at mapalawak ang water distribution.
Binanggit din ng pribadong sektor na dapat tularan ng iba pang lugar sa bansa ang water distribution system sa Metro Manila para sa maayos na suplay ng tubig.