Walumpu’t walong (88) porsyento ng mga pilipino ang nangangamba sa posibilidad na maipit ang Pilipinas sakaling umabot sa giyera ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre nang nakaraang taon kung saan limampu’t limang (55) porsyento ang sobrang nangangamba at tatlumpung (30) porsyento ang bahagyang may pangamba.
Habang nasa siyam (9) na porsyento naman ang hindi gaanong nag-aalala habang dalawang (2) prosyento lamang ang naniniwalang walang dapat ipag-alala.
Sa nasabing survey, lumabas din na walumpu’t apat (84) na porsyento ng mga Filipino adults ang nababahala na umabot sa digmaan ang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea.
Samantala, binigyan naman ng negative 19 na net trust rating ng mga Pilipino ang North Korea kung saan apatnapu’t tatlong (43) porsyento ng mga respondents ang nagsabing hindi gaanong katiwa-tiwala ang isang komunistang bansa.
—-