Umabot na sa 88% ng populasyon sa Bacolod City ang nabakunahan na kontra sa COVID-19.
Ayon kay Bacolod Mayor Evelio Leonardia, lagpas na sila sa herd immunity matapos mabakunahan ang 523K katao mula sa 590K residente nito.
Layon ng lungsod na hanapin pa ang 67k residente nito upang maabot 100% ng kanilang vaccination rate.
Nitong miyerkules, nasa 100.78 bagong kaso ang naitala sa Bacolod city para sa kabuuang 26,208 kaso. —sa panulat ni Abigail Malanday